WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Shabu dealer bumulagta sa PDEA

Bumulagta ang isang umano’y shabu dealer matapos itong manlaban at mabaril ng mga umarestong ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilatag na entrapment operation sa Koronadal City.

Ayon kay PDEA-12 Director Aileen Lovitos, nakatunog ang suspek na si Jeffrey Sobusa Pudadera, 45 anyos, residente sa Navarro Subd., Barangay Gen. Paulino Santos, na mga awtoridad ang kanyang ka-transaksyon sa ikinasang trade off sa Barangay Zone 4 sa lungsod kaya bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinasawi ng suspek.

Narekober dito ang P105,000 halaga ng shabu at cal.9mm pistol.

Sinabi ni Lovitos na ginagamit na front ng suspek ang pagiging tricycle driver para madaling makabenta ng ilegal na droga.

Aniya, madulas ito at ilang beses nakalusot sa kanilang operasyon sa nakalipas na mga buwan hanggang mabitag ito ng kanilang ahente na nagpanggap na iiskor ng shabu.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on