WebClick Tracer

NEWS

TUPAD swak sa 2025 national budget

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magpapatuloy ang ayudang pinansiyal ng gobyerno para sa mga manggagawa sa ilalim ng 2025 national budget.

“Nakikita ko napakaganda itong programa na ginagawa ng DOLE na TUPAD payout para sa mga magsasaka. Nakita mo naman masayang-masaya, masigla talaga ang ating beneficiaries…kaya itutuloy din natin itong programa sa susunod na budget, kaya ito ang gusto talaga ng taong-bayan,” ani Romualdez.

Isang emergency employment assistance ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) na ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga komunidad.

Sabi ni Romualdez, prayoridad ng Kamara ang pag-apruba sa panukalang 2025 national budget na isusumite sa Kongreso.

Inaasahan aniya na isusumite ang panukala para sa budget ng gobyerno sa susunod na taon pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on