WebClick Tracer

METRO

5 Chinese kinalawit sa binaril na kababayan

Anim katao na kinabibilangan ng limang Chinese ang inaresto matapos umanong masangkot sa pamamaril sa dalawang kababayan nitong Sabado sa Paranaque City.

Nasa kustodya ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina alyas Peng, 43; alyas Cheng; alyas Deng; alyas Tu, 42; alyas Liu, pawang Chinese at alyas Ken, na isang Pinoy.

Nagsasagawa naman ng hot pursuit operation ang mga awtoridad laban sa nakatakas na sina alyas Yu, 32; alyas Bo, kapwa Chinese at mga Pinoy na sina alyas Marlon at alyas Tony, na nagsilbing mga driver.

Dinala naman sa Ospital ng Paranaque ang mga biktimang sina alyas Li at alyas Ling, pareho ding Tsino matapos magtamo ng bala sa katawan.

Sa ulat mula kay Southern Police District (SPD) Director PBGen. Leon Victor Rosete, alas-12:10 ng madaling araw nitong Sabado nang mangyari ang pamamaril sa isang residential building sa Roxas Boulevard, Barangay Tambo, Paranaque City.

Nabatid na magkakalapit lang na nanunuluyan sa nabanggit na lugar ang mga biktima at mga suspek.

Sinasabing sinugod umano ng mga suspek ang mga biktima at binaril.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestagahan ang naturang insidente. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on