WebClick Tracer

METRO

62 wanted nabitag

Nasa 62 most wanted person (MWP) ang naaresto sa isinagawang manhunt operation ng mga otoridad sa Cordillera region mula June 8 hanggang 15, ayon sa Police Regional Office-Cordillera (Procor) kahapon.

Ayon sa Procor Regional Investigation and Detective Management Division, ang Benguet Police Provincial Office ay nakaaresto ng 21 MWP; ang Baguio City Police Office, 15; tig-pito sa Apayao at Kalinga; Ifugao, 5; Mountain Province, 4 at tatlo sa Abra.

Sinabi ng Procor na sampu ay nasa listahan ang MWP sa provincial level, apat sa municipal level at isa sa regional level.

Ayon pa sa pulisya, 71 municipalities sa rehiyon at walong police station sa Baguio City ang naitalang “zero-crime” rate incidents sa nakalipas na linggo. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on