WebClick Tracer

SPORTS

Bianca Pagdanganan laglag sa ika-62, kinolekta P410K

Malamyang tinapos ni Bianca Isabel Pagdanganan ang kampanya sa $3M (P176M) 10th Meijer LPGA Classic For Simply Give sa Blythefield Country Club sa Belmont, Michigan nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nagsumite ang Pinay shotmaker na kinakalinga ng ICTSI, ng six-over 78 sa likod ng dalawang birdie laban sa isang double bogey at limang bogey para sa two-under 286 at makibuhol sa triple-tie 62nd place na may $6,999 (P410K) cash prize bawat isa.

Pinamayagpagan ang 72-hole event na nagsilbing 75th Ladies Professional Golf Association Tour 2024 Leg 15 ni American Lilia Vu, na wagi sa playoffs kina home bet Lexi Thompson, at Australian Grace Kim na may 272 tapos ng 65, 68, at 73 sa regulations, ayon sa pagkakasunod.

Nagkamal si Vu ng $450K (P26M) samantalang ang nagsalo sa segunda-tersera na sina Thompson at Kim ay may tig-$234,645 (P13M).

Sunod na sasabakan ni Pagdanganan ang 44th KPMG Women’s PGA Championship sa Washington sa June 20-23 na rito’y balik-aksiyon ang mga kakuwadra niya sa International Container Terminal, Inc. na sina kababayang Dottie Ardina at two-time US Women’s Open queen Fil-Japanese Yuka Saso ng Japan.

Dahil ‘di full-time member sa taong ito, pangalawang torneo pa lang ang lalapit na kompetisyon para kay Ardina, samantalang ika-12 na para kay Pagdanganan. Ika-11 naman para kay Saso. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on