WebClick Tracer

METRO

Binugahan ng usok ang kausap, binata sinaksak

Tarak sa likod ang isinukli sa isang binata matapos nitong bugahan ng usok ng sigarilyo ang kairingan sa Barangay Ramon Magsaysay, Aborlan, Palawan.

Kinilala ang biktimang si Mark Dave Dini-ay, 25-anyos habang ang suspek ay kinilala sa alyas na Robert, 24.

Sa imbestigasyon, bago ang krimen ay kapwa nasa meeting ng motorcycle club ang suspek at biktima dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi, Hunyo 16.

Sinasabing nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pambubuga ng usok ng sigarilyo ng biktima.

Bunga noo’y sinapak ng suspek ang biktima sabay bunot ng kutsilyo at tinarakan ito sa likod.

Sa ngayon ay nakaratay sa Aborlan Medicare Hospital ang biktima habang naaresto naman ang suspek at nakuha ang patalim na ginamit nito.

Hindi pa nalinaw sa report kung ano ang pinagtalunan ng biktima at suspek. (Romy Luzares)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on