WebClick Tracer

METRO

De-kotseng killer umatake

Patay ang isang 20-anyos na binata matapos barilin ng siyam na beses ng hindi nakilalang gun man na nakasakay sa isang kotse, kahapon ng madaling araw sa may Delpan bridge sa Tondo, Maynila.

Kaagad na nasawi ang biktimang nakilalang si Lenard Musa y Antonio, 20, at taga-305 Valderama St., Brgy. 28 Binondo, Maynila dahil sa tama ng bala aa iba’t ibang bahagi ng katawan .

Ayon kay PCapt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – homicide section, naganap ang insidente alas-4:45 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nabatid sa mga bystander na nakarinig umano sila ng sunod-sunod na putok mula sa gun man na nakasakay sa isang kulay pulang kotse na mabilis ding tumakas papuntang Bonifacio Drive. Kasabay ng insidente ay nakita nila ang duguang biktima at wala ng buhay.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen at sa pagkakilanlan ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on