WebClick Tracer

NEWS

Dengue, pertussis sumisipa sa Quezon City

Nasa 10 indibidwal na ang iniulat na nasawi dahil sa iba’t ibang sakit, tatlo rito ang namatay sa dengue samantalang pitong iba pa ang binawian ng buhay sanhi ng pertussis.

Ito ang kinumpirmang bilang ng mga nasawi na naitala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division sa loob ng anim na buwan o mula Enero 1 hanggang Hunyo 8 ngayong taon.

Umabot umano sa kabuuang 1,261 ang mga kaso ng dengue habang 72 ang tinamaan ng pertussis.

Samantala, may 25 kaso naman ng leptospirosis ang naitala mula Enero hanggang Hunyo 1. Dalawa dito ang naiulat na namatay.

Dahil dito, pinag-iingat ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang mga residente sa pagtaas ng mga kaso ng dengue, leptospirosis, at influenza-like illnesses matapos ang dalawang linggong sunod-sunod na mga pag-ulan.

Pinayuhan din ang mga residente na magpakonsulta sa doktor o health center kapag may nararanasan na mga sintomas ng naturang mga sakit. (Darcie De Galicia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on