WebClick Tracer

NEWS

Dengue sa Western Visayas kumalat

Sumirit ang kaso ng dengue sa Western Visayas sa unang 6-buwan ng 2024, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula Enero 1 hanggang Mayo 25 ngayong taon, nakapagtala ang rehiyon ng 3,192 na kaso at walong nasawi sa sakit na dala ng lamok, sabi ng DOH.

Ito ay nagpapakita ng 22 porsyento na pagtaas ng mga kaso ngunit mas kaunting pagkamatay kumpara sa parehong panahon noong 2023, na mayroong 2,606 na kaso at 14 nasawi.

Naitala sa lalawigan ng Iloilo ang pinakamaraming insidente ng dengue ngayong taon na may 1,018 kaso, sinundan ng Aklan na may 508, Negros Occidental na may 457, Capiz na may 426, Antique na may 241, Iloilo City na may 222, Guimaras na may 169 at Bacolod City na may 151.

Bunga nito’y hinikayat ng DOH ang mga residente sa lugar na hanapin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok upang maiwasan ang paglobo ng dengue.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on