WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Duguang bangkay bumulaga sa gilid ng iskul

buy-bust

Bumulaga ang isang duguang bangkay ng lalaki sa gilid ng isang paaralan sa Davao City.

Ayon sa mga residente, bago ang pagkakatagpo sa biktima ay nakarinig sila ng pagputok ng baril malapit sa lugar.

Kasunod noon ay nadiskubre na ang bangkay ng hindi pa tukoy na lalaki na duguan at may tama sa ulo.

Nakita rin ang isang baril na nakapatong sa katawan ng biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, hindi pa klaro kung may naganap na foul play sa naturang insidente.

Isinailalim naman na sa paraffin test ang bangkay.

Sa ngayon ay sinusuri na rin ng pulisya ang CCTV footage malapit sa lugar ng pinangyarihan ng insidente. (VP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on