WebClick Tracer

NEWS

National Privacy Commission: Pagtuli sa mga bata `wag na i-livestream

Pinagsabihan ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko laban sa pag-post online ng sensitibong video ng mga menor de edad na maaaring magdulot ng pambu-bully at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga bata.

Kasunod ito ng kumalat na video ng isang bata habang tinutuli na nag-viral sa social media.

Naglabas ng pahayag ang NPC nitong Lunes, Hunyo 17, tungkol sa sensitibong content ng video at sinabing lumalabag ito sa privacy at dignidad ng menor de edad.

“The unauthorized sharing of videos or images involving children not only violates their privacy rights, but it may also lead to serious psychological and social consequences,” sabi ng NPC.

Nanawagan ang ahensiya sa publiko na i-report agad ang mga kahalintulad ng video sa mga platform administrator kung saan ito pinost.

Dagdag pa ng NPC na may mga mekanismo ang social media at video-sharing platforms sa pagbura ng mga content na lumalabag sa privacy standards. (PNA)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on