WebClick Tracer

METRO

Pampaputi na nakakasira ng balat, nagkalat

Ikinaalarma ngayon sa Quezon City ang patuloy na bentahan ng skin whitening creams na sinasabing nagtataglay ng kemikal na mercury.

Dahil dito, umapela ang BAN Toxics sa pangunguna ni Thony Dizon, Toxics Campaigner, sa Quezon City government na aksyunan ang nagkalat na toxic cosmetic products sa lungsod.

Ayon kay Dizon, natuklasan nilang ibinebenta ang mga produkto sa mga beauty shop sa may Commonwealth Avenue, sa Quezon City.

Kabilang sa mga ibinebenta ang matagal nang ipinagbabawal ng Food and Drugs Administration tulad ng Goree Beauty Cream with Lycopene Avocado & Aloevera, Goree Day & Night Beauty Cream Oil Free Total Fairness System at 88 Total White Underarm Cream.

Magugunitang may ipinasang ordinansa ang Quezon City na nagbabawal sa paggawa, distribusyon at pagbenta ng mercury-containing skin whitening cosmetics sa lungsod.

Sumulat na ang grupo sa City Health Department na humihiling na kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na produkto at ihinto ang iligal na pagbebenta nito. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on