WebClick Tracer

METRO

Rider nalasog sa nag-overtake na bus

Todas ang isang motorcycle rider matapos suwagin ng bus sa national highway ng Barangay San Pablo, Santo Domingo, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng Santo Domingo Police Station (SDPS) ang namatay na si Roberto Viesta, 40, ng Barangay Sunggiam, San Juan, ng nasabing lalawigan.

Samantala, ang suspek naman ay kinilalang si Joan V. Sonico, 48, ng Barangay Catucdaan, Cabugao, Ilocos Sur.

Sa report ng SDPS traffic, tinatahak ni Viesta ang kahabaan ng Barangay San Pablo gamit ang kanyang motorsiklo nang mag-overtake umano si Sonico at nakasalubong ang biktima.

Sa lakas ng impact, tumalsik si Viesta ilang metro mula sa pinangyarigan ng insidente at nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon kay SDPS commander P/Capt. Joseph Fieldad, si Sonico ay nakakulong na at kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang ipinataw sa kanya. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on