WebClick Tracer

NEWS

SC binutata PhilHealth werpa sa sahod, allowance

Hindi lubos ang fiscal autonomy ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagtatakda ng sahod at allowance ng kanilang mga kawani, ayon sa Supreme Court (SC).

Nakasaad ito sa desisyon ng SC kung saan tinukuran ng mga mahistrado ang notices of disallowance ng Commission on Audit (COA) sa PhilHealth kaugnay ng ipinagkaloob na allowance sa mga kawani ng ahensiya na umabot sa P43.8 milyong halaga kahit na walang basbas mula sa Office of the President noong 2010.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh, binigyang-diin ng SC na obligasyon ng PhilHealth na siguraduhing may pondo para sa abot-kayang health care ng mga Pilipino.

Ibinasura ng SC ang petition for review na hiniling ng PhilHealth laban sa notices of disallowance ng COA dahil sa kawalan ng merito.

Nakasaad sa petisyon ng PhilHealth na binigyan ito ng fiscal autonomy sa ilalim ng Republic Act No. 7875 o ang batas na lumikha sa ahensiya. Kinumpirma rin umano ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang fiscal autonomy ng ahensiya.

Subalit binigyang-diin naman ng SC na napagdesisyunan na ang isyu sa fiscal autonomy ng PhilHealth kaugnay sa kaso ng PhilHealth vs COA kung saan, base sa SC ruling noong 2016 ay hindi binigyan ng lubos na kapangyarihan sa ilalim ng R.A. 7875 ang ahensiya sa pagtatakda ng sahod at allowance ng kanilang mga kawani.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on