WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Tandem nahulog sa flyover dedbol

Kapwa binawian ng buhay ang isang nagmomotor at angkas nito matapos mahulog sa railing habang binabaybay ang flyover sa Governor Cuenco Avenue, Barangay Luz, Cebu City.

Ayon sa hepe ng Traffic Enforcement Unit ng Cebu City Police Office na si Police Major Jonathan Dela Cerna, naganap ang aksidente nitong madaling araw ng Linggo, Hunyo 16.

Sa paunang imbestigasyon, tumatahak pa-northbound ang motorsiklo ngunit pagsapit nila sa palikong bahagi ng flyover ay biglang nahulog ang sinasakyan sa railing.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga biktima.

Hindi naman na umabot ng buhay sa pagamutan ang backrider habang nasa kritikal naman na kondisyon ang driver nang isugod din sa ospital ngunit matapos ang ilang oras na gamutan ay pumanaw na rin ito.

Sa ngayon ay gumugulong pa rin ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa ng Philippine National Police kung bakit mabilis ang takbo ng mga biktima. (VP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on