WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Lady spox, fiancé VIP sa airport, may hawi boys pa

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong spokesperson ng isang ahensiya ng gobyerno na nagpa-VIP sa airport dahil kasama ang fiancé niyang politiko?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, palagi raw nasa tuge ang seksing spokesperson dahil sa fiancé niyang politiko mula sa malayong lalawigan ng Luzon.

Noong nakaraang weekend daw, naka ilang page na ang airline sa pangalan ng ating bida dahil pa-boarding na ang sasakyan nitong eroplano pero wala pa siya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating si spox na kasama ang ipinagmamalaking fiancé-politician.

Upang mapabilis, nagsilbing hawi boys ng dalawa ang security ng paliparan at maging ang kapwa pasahero sa eroplano ay nabiktima nila.

Late na nga sa flight, gusto pa raw ng dalawa na mauna sa pila kaya maraming pasahero ang nagtaas ng kilay dahil hindi raw ito sokpa sa “Bagong Pilipinas”.

Napa-English daw tuloy ang isang barok magsalita at sinabing “she passed away” na tila gustong sabihin na dinaanan sila ng spokesperson at nauna pa sa pila.

Clue: Ang spokesperson na pasaway sa pila sa airport ay puwedeng hulaan sa cell + phone.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on