WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Solon tumiba sa El Niño

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mambabatas na tumiba nang husto sa nakaraang panahon ng tag-init dulot ng El Niño phenomenon?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, may negosyong ice plant ang mambabatas sa kanilang probinsiya at dito kumukuha ang maraming establisimiyento pati na ang mga mangingisda sa kalapit na lalawigan.

Noong nakaraang tag-init, lumakas ang demand sa yelo kaya doble kayod ang mga tauhan sa planta ng mambabatas.

Halos dumoble raw ang dinedeliber na yelo sa mga kliyenteng establisimiyento dahil sa dami ng mga taong naghahanap ng pamatid uhaw.

Bukod sa ice plant, may isa pang negosyo ang mambabatas na kumita noong summer dahil sa dami ng mga kustomer na bumisita sa kanyang bahay bakasyunan.

Wala naman daw hokus-pokus sa mga negosyo ng mambabatas dahil legal lahat ng operasyon ng mga ito. Ang tanong lang ay kung saan nanggaling ang kapital.

Ang masaklap lang nito, kung sinusuwerte ang ating bida sa buhay pag-ibig at negosyo, minalas naman siya sa larangan ng politika.

Clue: Ang mambabatas na tumiba sa panahon ng El Niño ay puwede ninyong hulaan sa numero niya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on