WebClick Tracer

LIFESTYLE

Tunay na Tanza Pride

Bata pa lang, mahilig na talaga sa sports ang siyam na taong gulang na si Audrey Maris del Rosario – Morales na tubong Tanza sa probinsiya ng Cavite.

Nasubukan daw niya ang iba’t ibang sports gaya ng tennis, golf, swimming at ballet. Pero sa gymnastics nahulog ang kanyang loob.

Incoming Grade 4 pa lang si Audrey sa Our Lady of the Holy Rosary School, pero siya na ang pambato sa maraming gymnast competitions, hindi lang ng kanyang eskuwelahan kundi ng buong lalawigan.

Kamakailan, Pilipinas na ang kinatawan ni Audrey sa katatapos lang na SS Asian Gymnastics Club Tournament 2024 na ginanap sa HongKong, China. May 800 gymnast-delegates mula sa iba’t ibang bansa sa Asya ang lumahok dito.

Ang iniuwi ni Audrey, Over-all Champion title lang naman!

Sa kabila ng kaliwa’t kanang parangal at pagkilala, nananatiling humble si Audrey. Malaki ang kontribusyon ng magandang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.

Kuwento ng kanyang mommy na si Kon. Icel del Rosario – Morales, gaya ng karaniwang bata, mahilig pa rin daw maglaro si Audrey. Aniya, ‘Marami rin siyang ibang pinagkakaabalahan gaya ng pag-crochet, paglalaro ng computer games, swimming at bonding sa kanyang mga kapatid.’

Abala man sa kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan sa Tanza, hindi pa rin daw niya kinaliligtaan ang anumang laban ng kanyang anak. Katunayan, lagi siyang kasama ni Audrey sa tuwing may laban sa loob o labas man ng bansa.

Dagdag ng konsehala, ‘Ang buong pamilya namin ay laging nakasuporta sa kanya. Kapag hindi ako makakasama sa competition niya, ang kapatid o ang Mommy ko ang sumasama sa kanya. Ibinibigay namin kung ano ang kanyang pangangailangan kapag siya ay nagte-training’.

Kaya naman, abut-abot ang pasasalamat ni Audrey sa kanyang ever supportive and loving family. Sila raw ang kanyang inspirasyon, ‘My inspirations are my family, friends, and coaches because they push me to do my best’.

Oras ang hamon sa kanyang sports na gymnastics lalo pa’t kasabay ng studies ang kanyang training. Kaya sa murang edad, natuto na raw siyang mag-manage ng oras.

Payo niya sa mga batang gusto ring pasukin ang mundo ng gymnastics, ‘Listen to your coach. Don’t give up.’

Proud kaming mga Tanzeño sa gaya mong tunay na Tanza pride, Audrey!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on