WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Esmi, anak ni cong kinasuhan ng trespassing

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong asawa at anak ng isang congressman na kinasuhan ng trespassing dahil sa itinayong proyekto sa isang bayan?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, parehong mga lokal na opisyal ng gobyerno umano ang asawa at anak ng kongresista mula sa malayong lalawigan sa bansa.

Nagpagawa raw kasi ng proyekto ang mag-ina para mapakinabangan ng kanilang mga mamamayan.

Ang problema, private property ang pinagtayuan ng proyekto kaya natural na umangal ang may-ari ng lupa na isang Filipino-Chinese.

Kinasuhan daw ang mag-ina ng trespassing, aba’y buti na lang at hindi sila nagpunta sa Scarborough Shoal at baka sila ang kauna-unahang dinampot ng China Coast Guard sa pinahigpit nilang polisiya kontra sa mga trespasser ng inaangkin nilang teritoryo.

Pero hindi lang pala ito ang ikinaso sa mag-ina, sinampahan din sila ng paglabag sa Sanitation Code at danyos perwisyo sa property.

Dinedma lang daw ng mag-ina ang kaso dahil hindi naman sila ang gagastos sa abogado kundi ang lokal na pamahalaan.

Clue: Hindi masyadong kilala si misis at ang anak pero si congressman ay maraming nakakaalam ng kanyang pangalan dahil kapangalan nito ang isang direktor.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on