WebClick Tracer

NEWS

Toyota Hilux delikado ibiyahe

Pina-recall ng Toyota Motor Philippines Corp. (TMPC) ang 3,244 na Hilux GR-S pickup na ginawa mula Hulyo 27, 2023 hanggang Abril 24, 2024 para tanggalin ang mga sports bar na nakakabit dito.

Sa liham ni TMPC First Vice President Bernardino C. Arevalo noong Hunyo 10 kay Department of Trade and Industry (DTI) OIC Director for Consumer Protection and Advocacy Bureau Cherryl Carbonell, maaari umanong mabiyak o mabasag ang bracket na nagkakabit sa sports bar ng sasakyan.

Kapag nabiyak ang bracket, maaaring malaglag ang sports bar at makapinsala ng iba pang mga sasakyan at mga tao.

Sabi ni Arevalo, nagpadala na ng official notification letter ang kompanya sa mga may-ari ng mga apektadong sasakyan para tanggalin ang sports bar at maiwasan ang aksidente.

Wala pang piyesa ang TMPC sa ngayon ngunit tatanggalin na ang sports bar para makaiwas sa sakuna. Oras na dumating na ang piyesa, sasabihan ng authorized Toyota dealer ang kanilang mga kostumer para mapalitan na ang bracket.

Nanawagan si Arevalo sa mga apektadong kostumer na makipag-ugnayan na sa mga authorized Toyota dealer para magawa na ang remedyo at maiwasan ang problema. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on