WebClick Tracer

LIFESTYLE

Alternatibong medisina

Iba’t iba ang pamamaraan ng paggagamot sa isang karamdaman. Mayroong konserbatibo, kung saan ang pinakamahalaga ay ang malaman ang karamdaman at maituro kung ano ang pinanggalingan at kung ano ang mga posibleng mangyari dito.

Kasama ang gamot at mag ibang maaaring gawin upangmabawasan at gumaling sa nararamdaman. Nariyan din ang agresibong pamamaraan kung saan ang operasyon ay ginagawadahil sa mekanikal na kundisyon ay mekanikal na kailanganmatanggal ang sanhi o ayusin sa pamamaraan nakinakabitan ng kung anuanong mga instrument, implant o devices para maisaayos ang kundisyon. Ngunit mayroon din na konserbatibongunit agresibo din tulad ng mag ineksyon kung saan maaaringmaglagay ng gamot o magtanggal ng dugo upang gumaling. Mayroon din naman na ineksyon na nananatili ang karayom ng ilang sandali para makatulong sa problema. Ito ay ang acupuncture.

Ang acupuncture ay isang pamamaraan na alternative medicine na bahagi ng traditional Chinese medicine. Ang mga ebidensyaay nagsasabi na nagmula pa ito noong 100 BC, ngunit may mganagsasabi na maaaring mayroon na nito na mas matagal pa. Hindi ito base sa western medicine na karaniwan na ginagawang mga doktor kaya kung minsan ay nababansag na hindi tunayna medisina o panggagamot. Iba ang prinsipyo ng acupuncture at may kinalaman sa tinatawag na Confucianism na mayroongeight principles o walong prinsipyo. Ang exterior and interior o panlabas at panloob, angcold and hot o lamig at init, ang empty and full o wala at puno, at ang yin and yang o magkaiba ngunitmagkakonekta sa isa’t isa. Mayroon din itong sinusunod naDaoist wuxing na malawak na pilosopiko at religiosongprinsipyo ng bansang Tsina. May kinalaman ito sa limangelemento. Ang apoy, tubig, kahoy, bakal, at lupa.

Ang acupuncture ay madalas para matanggal ang kirot nanararamdaman. Ito ay sa pamamagitan ng pagtusok ng karayomna iniiwan ng mga 10 hanggang 20 minuto sa iba’t ibang bahaging katawan. Hindi kinakailangan sa lugar kung nasaan mismoang masakit depende sa mag linya na sinusundan o meridian. Kung minsan, dinadagdagan pa nila ang paginit, pressure o bigat, pati mag ilaw sa procedure. Ito ay madalas din ginagawakatuwang ng ibang mga pamamaraan para mabawasan ang sakit. Sinusundan nila ang mga pilosopiya at intuwisyon at hindi mgascientific researches.

Kakaibang pamaraan na madalas ay wala naman side effects kung ang gumagawa ay isang trained o nagaral na practitionerna gumagamit ng malinis na instrument na madalas ay disposable din. Ngunit kung hindi, may mga nakitaan na nanakitang ulo, nahilo, o di kaya nagkaimpeksyon at nagkaroon ng mgakumplikasyon. Madalas hindi nagkakasundi ang mga doktor at acupuncturist, ngunit kung talagang masakit ang nararmadamanay sana makapag ugnayan ang dalawa. Ang pinakamahalagakung sakaling magpapagawa ng acupunture ay siguruhin ang gagawa ay trained at kung hindi saan saan lang.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing martes10am at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am saDZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on