WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Esmi ng politiko kapit-tuko kahit kinakaliwa

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong misis ng mayamang politiko na nagtitiis sa pangangaliwa ng kanyang mister?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, ayaw daw magsampa ng legal separation o annulment si misis kahit matagal na siyang kinakaliwa ng mister.

Nanghihinayang daw kasi si misis sa mawawalang pera sa kanya kapag nagsampa at inaprubahan ang annulment. Multi-milyonaryo kasi ang asawa niyang politiko kaya milyon-milyong piso rin ang mawawala sa kanya.

Isa pa, posibleng mapunta raw sa ibang babae ang yaman ng kanyang asawa kapag nakipaghiwalay ito.

Matagal nang alam ni misis ang pangangaliwa ni mister. Palibhasa ay politiko at mayaman pa, marami itong nabibingwit na magaganda at mas batang bebot.

Kung minsan daw, sa abroad pa chinuchukchak ng politiko ang nabibingwit na magandang bebot.

Umuuwi pa naman daw sa kanilang bahay sa probinsiya si mister pero sa ibang kuwarto na ito natutulog. Kaya kahit ngayong tag-ulan, mukhang El Niño o tagtuyot pa rin si misis.

Kuntento na raw si misis na makapiling ang kanyang mga anak, pati na ang milyones ng kanyang mister kaya ayaw nitong mag-file ng annulment.

Clue: Ang pangalan ni misis, puwedeng i-relate sa TV network, habang ang pangalan ng mister niyang politiko, puwedeng kantahin.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on