WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Magnitude 4.8 yumanig sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa naging tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Nangyari ang lindol mga ganap na alas-3:30 ng hapon kung saan namataan ang epicenter nito na may 134 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur. Ito ay may lalim na 10 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang aftershocks ang naganap na lindol kung saan wala ring nasaktan o naitalang pinsala. (Darcie de Galicia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on