WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Sanggol, 2 utol nilamon ng apoy

Isang sanggol at dalawa pa nitong kapatid na paslit ang nasawi matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Brgy. Dalusan, Maasin, Iloilo, Miyerkoles ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Maasin BFP, iniwan ng mga magulang sa kanilang bahay ang mga anak na may edad 4, 5, 8, 12 at bunsong sanggol para pumunta sa lamay sa kanilang kapitbahay.

Subalit laking gulat ng mga magulang at mga residente nang makitang nilalamon na ng apoy ang kanilang kabahayan.

Wala ng magawa ang magulang kundi magsisigaw at tawagin ang mga anak sa gitna ng naglalagablab na sunog.

Ayon sa imbestigasyon ng Maasin BFP, natutulog ang magkakapatid at hindi kaagad nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay ang 4 at 5 taong gulang na mga bata dahil sa may kapansanan na polio at ang halos 1-anyos na bunso na hindi pa nakakapaglakad.

Nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay ang dalawang bata na may edad 8 at 12 pero nagtamo din ang mga ito ng paso sa katawan na kaagad isinugod sa ospital.

Natukoy ng Maasin BFP na sa isang siga malapit kanilang bahay ang pinagmulan ng sunog.

Patuloy pang ginagamot sa ospital ang magkapatid dahil sa natamong paso sa katawan. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on