WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Senglot tinangay ng agos, tigok

Makaraaan ang tatlong araw na pagkawala, natagpuang walang buhay ang isang lalaki na tinangay ng agos ng baha sa Lagan river sa Barangay Coronon, sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ayon sa report ng Davao del Sur Police Provincial Office, Miyerkoles ng gabi nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Rammil Dulay, 47-anyos.

Nakuhanan pa ng video ang pagkatangay sa kanya ng baha.

Base sa video, Linggo ng hapon, nakainom umano ang biktima nang sumugod ito sa gitna ng rumaragasang baha sa ilog. Mula sa dike ay bumaba ito sa tubig at saka natumba at natangay.

Ganoon na lamang ang gulat ng mga nakasaksi at agad humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad na kinalaunan ay ginawang retrieval operation.

Nakita na lamang ang bangkay ng biktima na palutang-lutang at napadpad na sa dagat na bahagi ng Barangay Coronon.

Ayon sa kapatid ng biktima, nakipag-inuman umano si Dulay noong oras na yun sa kanyang mga katrabahong construction worker pero nagpunta ito sa ilog matapos malamang natangay ng baha ang mga kahoy na gagamitin sana niya sa kontruksyon ngunit sa kasamaang palad ay naging sanhi ng kanyang pagkakadisgrasya. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on