WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mag-asawang dadalo sa hearing, dinedo

Todas ang mag-asawang dadalo sana sa hearing matapos pagbabarilin ng ‘di pa kilalang salarin habang sakay ng motorsiklo sa Butuan City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report kay Butuan City Police Office Chief PIO, P/Lt. Crispolo Alburo, sakay ng motorsiklo ang mag-asawa at patungo ng Barangay Hall para dumalo sa pagdinig pero nakansela umano ito.

Dahil dito ay nagpasya na lamang umuwi ang mag-asawa subalit habang binabagtas nila ang Purok 5B sa Brgy. Amparo ay bigla na lamang silang pinagbabaril.

Agad namang isinugod sa ospital ang mag-asawa pero idineklara na silang dead on arrival dahil sa tinamong mga tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Alburo, mayroon na silang person of interest sa naganap na krimen at tinitingnan na rin nila ang away sa lupa na posibleng motibo sa pagpatay sa mag-asawa.

Bago ang insidente, nabatid na inihahanda na umano ng mag-asawa ang mga dokumento para sa paghahain ng kaso.

Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pamamaslang. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on