WebClick Tracer

LIFESTYLE

Sa EK, pantay-pantay

May pahabol pang selebrasyon sa Pride month ang nag-iisang world-class theme park sa bansa na matatagpuan sa Sta. Rosa City, Laguna, ang Enchanted Kingdom.

Tinawag na ‘Magic of EKquality’ ang programa, kung saan tampok ang talent competition ng sampung participants na pawang mga miyembro ng LGBT community.

Ang siste, tagisan ng galing at husay sa performance ang labanan!

May kumanta, sumayaw, at nag-lip sync. May kinayang mag-solo sa pagkanta. Ang iba naman, humataw sa group dance.

Galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga kasali sa kompetisyon.

Nabigyan ng pagkakataon ang inyong lingkod na maging isa sa tatlong hurado. I must say, talagang pinaghandaan ng mga kalahok ang talent competition.

Hindi biro ang ipinamalas nilang performance, partikular ang stunts ng mga grupo na nagpakita nang husay sa pagsayaw.

Itinanghal na grand winner ang 23-anyos na singer na si Alquin Gutierrez mula sa Dasmariñas, Cavite. Nag-uwi siya ng P15,000 cash prize, regular day passes sa EK at may pagkakataon ding makapag-perform sa upcoming events ng parke.

Ang dance group na Jazz Exchange at singer na si Wilson Buerano naman ang nag-uwi ng runner-up tittles.

Lalo pang pinakulay at pinasaya ang selebrasyon ng groovy at nostalgic musical performances mula sa standup-comedian na si Jewel Jhonson. Pinainit naman ng ‘The Voice Generations Season 1’ Grand Winner VOCALMYX ang entablado ng kanilang acapella renditions ng local hits.

Hanggang July 28 naman may nakapuwestong Pride-inspired photowall malapit sa Twin Spin ride na puwedeng paglitratuhan ng mga miyembro at ally ng LGBT community.

Tapos na ang June pero tuloy pa rin ang magic ng mga promong hatid ng EK sa loyal customers. Hanggang July 14 may special promo. Sa halagang P1,200, puwede nang ma-enjoy ng walk-in guests ang higit 30 rides and attractions sa parke, kasama ang kauna-unahan at nag-iisang flying theater sa bansa, Agila the EKsperience.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on