WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Surigao del Sur nilindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng hapon, Hulyo 8.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang alas-4:18 ng hapon.

Nagmula ang epicenter nito 86 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Bayabas, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Sinabi naman ng Phivolcs na wala namang inaasahang aftershocks o pinsala ang nasabing lindol. (VP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on