WebClick Tracer

NEWS

2 Russian sa P340M crypto robbery yari sa DOJ

Sinampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang Russian na dating mga consultant ng Coins. ph matapos nilang i-hack ang IT system ng nasabing kompanya at ninakawan ng mahigit P340 milyong halaga.

Base sa pahayag ng DOJ, kinilala ang mga akusado na sina Vladimir Evgenevich Avdeev at Sergey Uaschuc na parehong nahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Natukoy umano ng security team ng Coins. ph na may malawak na kaalaman sa network ng kompanya ang mga hacker.

Inilipat din sa iba’t ibang serbisyo ng cryptocurrency ang mga ninakaw na pondo upang matakpan ang mga pinanggalingan nito, at lituhin ang mga imbestigador sakaling mabulilyaso.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mandato ng DOJ na tiyakin na mangingibabaw ang batas at umaabot ito kahit sa cyberspace.

Binigyang-diin pa ni remulla ang kahalagahan na maging alerto laban sa mga cybercriminal na sinasamantalang ang pag-usbong ng modernong teknolohiya. (Just Ignacio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on