WebClick Tracer

METRO

2 Vietnamese nahulihan ng droga, boga sa resto bar

Inaresto ng Pasay City Police ang dalawang Vietnamese matapos mahulihan mg ilegal na droga at armas habang nasa isang bar sa Roxas Boulevard, Barangay 76, Zone 10, Pasay City nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala sa alyas Van, 26 at Alyas Hoang, 23 ang mga dayuhan na ngayon ay nasa detention cell ng Pasay City Police.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng monitoring ang mga awtoridad sa isang KTV bar sa kahabaan ng Roxas Boulevard, bandang alas-3:00 ng madaling araw, nitong Martes, nang makuhaan ng ilegal na droga at baril ang dalawang Vietnamese.

Habang sinisita ang mga dayuhan ay naglabas ng baril ang isa sa mga ito kaya agad na inaresto.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang Colt Combat Commander caliber. 45 pistol na may magazine at 1.5 gramo ng shabu. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on