WebClick Tracer

NEWS

6 milyong target na pabahay binawasan dahil sapol ang ibang programa

Nagpaliwanag ang National Economic and Development Authority (NEDA) kung bakit binawasan ang target na anim na milyong pabahay ng gobyerno at ginawang tatlong milyon na lamang.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kaya binawasan ang target ay upang hindi maapektuhan ang ibang mga programa na kailangan ding pondohan ng gobyerno gaya ng sektor ng edukasyon, kalusugan at imprastraktura.

Kailangan aniyang balansehin ang mga ginagastusan upang hindi maapektuhan ng husto ang ekonomiya.

Pero kahit tinapyasan ang target ng kalahati mula sa anim na milyong housing unit, sinabi ni Balisacan na tuloy pa rin ang programa sa pabahay at makakalikha pa rin ito ng dagdag na hanapbuhay sa mga Pilipino.

Nauna rito, inamin ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jerry Acuzar na na hindi nila natupad ang isang milyong pabahay kada taon na unang ipinangako ng gobyerno dahil sa mabagal umanong paglabas ng pondo mula sa pribadong sektor para pondohan ang murang pabahay. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on