WebClick Tracer

NEWS

China hinarang uli medical evacuation sa Ayungin Shoal

Muling hinarang ng mga barko ng China ang isinagawang medical evacuation ng Philippine Coast Guard sa isang pasyenteng sundalo mula sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal, noong Linggo, Hulyo 7.

Sa kabila nito, hindi nagtagumpay ang panibagong harassment ng China at nagawa silang lusutan ng PCG.

Ayon kay Philippine Navy Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, dalawang barko ng PCG ang nagsagawa ng emergency medical evacuation sa BRP Sierra Madre subalit hinarang sila ng mga barko ng China malapit sa Ayungin Shoal.

Nangyari na rin ang ganitong insidente noong Hunyo kung saan tinangkang pigilan ng China Coast Guard ang medical evacuation sa isang may sakit na Navy personnel mula sa BRP Sierra Madre.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on