WebClick Tracer

METRO

Kasambahay minolestiya ng among Tsino

Inireklamo ng kasong acts of lasciviousness ang isang Chinese national matapos na molestiyahin nito at pagtangkaang halayin ang kaniyang kasambahay sa sa Brgy. Bataan, San Juan, Batangas noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa report sa pulisya ng 26-anyos na biktima, dakong alas 10:00 ng umaga noong Biyernes, naghuhugas siya ng mga pinggan ng tawagin siya ng 56-anyos na amo na alyas Chen para linisin ang banyo.

Matapos ay nagtungo ang suspek sa garahe at kumuha umano ng condom sa kanyang sasakyan saka biglang hinatak papasok sa kuwarto ang kasambahay.

Doon ay niyakap ito ng suspek, pinaghahalikan at pinaghihipuan sa maselang parte ng katawan ang dalaga

Nagawa namang makahulagpos ng biktima at tumakbo papalabas.

Hindi natuloy ang balak ng amo dahil dumating na ang iba pang kasama sa bahay ng among Tsino.

Nitong Lunes nagpasyang magreklamo ang kasambahay sa pulisya dahilan upang arestuhin ang kaniyang amo. ((Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on