WebClick Tracer

NEWS

Lagpas 2K ang bisita: SONA P20 milyon gastos sa tsibog

Aabot umano sa P20 milyon ang gastos sa pagkain ng libo-libong magtatrabaho at bisita sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024.

Pero tumanggi si House Secretary General Reginald Velasco na isapubliko ang detalye nito para sa seguridad ng event. Aniya, maaari itong isapubliko pagkatapos ng SONA.

Ayon kay Velasco kasama sa gastos ang agahan, tanghalian, hapunan at meryenda ng mga bisita gayundin ang libo-libong pulis na ipakakalat sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City.

“It’s not too costly. Our security personnel alone are in the hundreds. The Congress personnel is at 2,000 to 3,000, then the guests are around 2,000. That’s just about right,” sabi ni Velasco.

Gaganapin ang ikatlong SONA ni Pangulong Marcos sa plenary session hall ng Kamara de Representantes sa Hulyo 22.

Ayon kay Velasco, ito ang magiging pinakamalaking SONA sa kasaysayan ng bansa.

“I think this will be the biggest in history based on the number of confirmation that we got and the additional requests,” sabi ni Velasco sa panayam nitong Martes, Hulyo 9.

Aniya, mula 1,312 ay gagawing 1,814 ang upuan sa loob ng plenaryo.

“So far we have received confirmation from over 2,000 guest including the House members and members of the Senate who will be joining the joint session to hear the SONA of the President,” sabi ng opisyal.

“Overwhelming talaga yung request ngayon for seats sa plenary.. But unfortunately we can’t accommodate all of them,” dagdag pa ni Velasco.

Ayon kay Velasco nais ng ilang mambabatas na magsama 40 hanggang 50 bisita sa SONA subalit hindi ito pinagbigyan. Tanging “plus one” lamang aniya ang maaari para sa mga miyembro ng Kamara.

Gaya noong nakaraang taon, sinabi ni Velasco na magkakaroon ng mga viewing room para sa mga bisita na hindi makakapasok sa plenaryo. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on