WebClick Tracer

NEWS

Mga opisyal ng Tariff Commission kakasuhan sa Ombudsman

Magsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman ang isang grupo mula sa sektor ng agrikultura laban sa mga opisyal ng Tariff Commission dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Tiniyak ni Rosendo So, pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na kasong administratibo at kriminal ang naghihintay sa mga opisyal ng naturang komisyon kaugnay sa pagtapyas ng taripa sa imported na bigas at ilan pang produktong agrikultural.

Nabigo umano ang mga opisyal ng Tariff Commission na gawin ang kanilang tungkulin at hindi kinonsulta ang mga magsasaka bago inihain ang rekomendasyon ng NEDA Board kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa bawas-taripa na mula 35% ay ginawang 15% hanggang sa 2028.

Nauna nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang limang grupo mula sa sektor ng agrikultura para kuwestyunin ang Executive Order No. 62 o ang pagtapyas ng taripa na nilagdaan ng Malacañang. (Darcie De Galicia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on