WebClick Tracer

NEWS

NBI, PNP pinukpok kay Gerald Bantag sa Percy Lapid slay

Kinalampag ng pamilya ng pinaslang na brodkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa ang mga awtoridad kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na hindi pa rin nahuhuli hanggang sa kasalukuyan.

Pinuna ni Roy Mabasa, kapatid ng biktima, ang mabagal na pagkilos ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto kay Bantag.

“It is regrettable that government forces, including the Philippine National Police (PNP) and the National Bureau of Investigation (NBI), have been unable to arrest Gerald Bantag despite declaring knowledge of his whereabouts,” sabi ni Mabasa.

Bukod sa naiinip sa mabagal na pag-aresto kay Bantag, nagmamaktol din ang pamilya Mabasa dahil sa mabilis umanong pagkilos ng mga awtoridad sa ibang kaso gaya ng pagpaslang sa magkasintahang beauty queen at Israeli national.

Pinapurihan ni Mabasa ang mabilis na paglabas ng autopsy report sa magkasintahang Yitzhak Cohen at Geneva Lopez matapos na mahukay ang mga bangkay ng dalawa makalipas ang halos dalawang linggo na pagkawala.

“But what about Ricardo Zulueta, a prime suspect in the killing of broadcaster Percy Lapid? The police reporter Zulueta died of heart failure in a Bataan hospital and respected the family’s privacy,” ani Mabasa.

“Meanwhile, Gerald Bantag, the principal suspect in Lapid’s murder, is reportedly hiding in Hermosa, Bataan. Coincidence,” pahayag pa ng kapatid ng pinatay na brodkaster.

Nauna rito, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano na alam nila ang kinaroroonan ni Bantag ngunit nag-iingat din sila sa pagpapatupad ng arrest warrant laban sa dating BuCor chief upang hindi malagay sa panganib ang mga alagad ng batas.

Inamin ni Clavano na batid nilang hindi talaga pahuhuli nang buhay si Bantag.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on