WebClick Tracer

NEWS

Nmax loan scam nabuking sa banko

Nanawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga nag-aapply ng loan sa pagbili ng motorsiklo na kunin muli ang mga isinumite nilang dokumento lalo na kapag hindi naaprubahan ang utang dahil posibleng magamit ito sa scam.

Isa si Nadya (hindi tunay na pangalan) sa nabiktima ng identity theft ng taong nag-asikaso sa kanyang loan application para sa motorcycle NMAX.

Nagsampa ng reklamo si Nadya sa NBI-Organized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD).

Nadiskubre umano ni Nadya na ginamit ang kanyang mga dokumento sa pagkuha ng motorcycle loan nang magpunta ang staff ng isang banko sa kanilang bahay dahil hindi umano siya nagbabayad ng monthly amortization para sa inutang na motorsiklo.

“The victim said she lost interest and did not take back her documents after she was told several times that she did not meet the requirements for a motorcycle loan,” ayon sa ulat ng NBI.

Para makumbinsi ang banko na wala siyang kinalaman sa motorcycle loan, humingi ng tulong si Nadya sa NBI, ayon kay Agent Das Tejuco na may hawak ng kaso.

Base sa salaysay ng biktima, noong Mayo 2023 nag-apply siya ng 24-month term loan para sa isang motorsiklo.

Ngunit pagkatapos niyang maibigay ang kumpletong requirements para sa loan application ay inabisuhan siya na hindi ito naaprubahan.

“She submitted documents and provided all pertinent details and went through the process of credit investigation, but was told that her loan has been disapproved. She said she even offered to increase her down payment, but was still not granted a loan,” sabi ng NBI.

Ayon sa biktima, sinabihan siya ng staff ng nagbebenta ng motorsiklo na hindi umabot ang kanyang sahod sa “required bracket” para makapag-loan ng NMAX.

“She asked for other units, to qualify for a motorcycle loan, but was still rejected by motorcycle seller staff,” ayon pa sa NBI.

Kaugnay nito, sinampahan ng NBI ng identity theft at estafa ang isang Clark Romero ng Quezon City matapos na positibong ituro ito ng biktima na siyang nagproseso sa lahat ng kanyang mga dokumento para sa motorcycle loan application.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on