WebClick Tracer

NEWS

PBBM pinasaklolohan mga binaha sa Cebu

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang mga ahensiya ng gobyerno na nakatutok sa mga kalamidad at sakuna na alalayan ang mga biktima ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang bayan sa Cebu.

Nakarating sa kaalaman ng Pangulo ang insidente nang pagkalunod at pagkaanod ng ilang katao matapos umapaw ang creek na dinaanan ng mga biktima habang sakay ng pickup truck noong Lunes ng hapon sa bayan ng Carmen.

Nabatid na nagkaroon ng flashflood at may mga istrakturang nasira o bumagsak sa Minglanilla at Cebu city.

“I have received initial reports on the effects of heavy rains here in Cebu yesterday. They resulted in flashfloods, structural collapse and damage to property. At the moment the concerned agencies are conducting search and rescue operations,” pahayag ng Pangulo.

Tiniyak niya na magtutulungan ang national at mga local government upang mabigyan ng agarang tulong ang mga napinsala ng kalamidad sa Cebu.

Inatasan na rin niya ang Office of the President at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng tulong sa mga local government unit na apektado ng mga pagbaha.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na sa kabila ng nangyaring pagsubok ay mananatiling matatag ang mga Pilipino at nakatutok sa layuning magtagumpay tulad aniya ng mga atletang kalahok sa Palarong Pambansa na binuksan niya sa Cebu City nitong Martes ng hapon, Hulyo 9. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on