WebClick Tracer

METRO

2 bigtime tulak timbog sa P10M boga, tobats

Nadakma ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group ang dalawang sinasabing bigtime tulak at nakumpiskahan ng higit P10 milyong halaga ng shabu, mga baril at bala sa ikinasang buy bust sa Maynila nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang naaresto na sina Lope Alvarez Hernandez alyas Jojo, at Nacer Umana Gunda, kapwa residente ng Arlegui St., Brgy 387, Quiapo, Manila.

Sa report ni P/Pat Jackson D Allanic, alas-3:15 ng hapon kahapon, nang isagawa ang buy bust operation sa tahanan ng mga suspek sa No. 980, Arlegui St., sa nasabing barangay.

Matapos umanong makatanggap ng impormasyon kaugnay sa illegal na aktibidades ng mga suspek ay agad na nagkasa ng buy bust ang pinagsanib na puwersa ng Special Operations Unit ng National Capital Region (SOU NCR), PNP-DEG sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Manila Police District (MPD) Police Station 3.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit kumulang sa 1 kilo ng shabu na nagkakahalagang P6,800,000; 500 gramo ng shabu sa 13 plastic sachet na nagkakahalagang P3,400,000; 1 caliber 9mm; 1 caliber 45 colt; 3 magazine ng assembly caliber 45 pistol; 1 inside holtser; 1 magazine ng 9mm pistol; mga cellphones at drug paraphernalia.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on