WebClick Tracer

METRO

4 hacker ng Comelec, Sky Cable nakalawit

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang apat na hackers na sangkot sa pananabotahe sa website ng Commission on Election (Comelec) at Sky Cable sa isang entrapment operation nitong Hulyo 9, 2024 sa Tagaytay City, Cavite.

Kabilang sa mga naaresto ng NBI sina Eden Glenn Petilo, Carlo Reyna, John Kenneth Macarampat at Leonel Obina, pawang miyembro ng Blood Security Hackers.

Ang operasyon ay nag-ugat dahil sa mga “unauthorized breaches” ng mga government websites.

Sa impormasyong natanggap ng NBI-CCD, may isang grupo na responsable sa mga cyber intrusions ng Comelec at Sky Cable Data ang iniaalok na ibenta.

Kaagad na umaksiyon ang NBI-CCD at nagsagawa ng surveillance operation, at nang makumpirma na ang mga suspek ay responsable sa pinakahuling cyber intrusions ay ikinasa ang entrapment operation.

Nagawang makipagtransaksiyon ng NBI-CCD para umano bilhin ang data breach ng Sky Cable na naglalaman ng impormasyon ng mga subscriber.

Noong Hulyo 9, 2024, ikinasa ang entrapment operation na ikinaaresto ng apat. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on