WebClick Tracer

METRO

Bagong Davao police chief sinibak agad

Hindi pa nag-iinit sa kanyang bagong puwesto bilang officer in charge (OIC) ng Davao City Police Office (DCPO) ay agad sinibak si Police Col. Lito Patay, apat na oras bago siya itinalaga sa puwesto.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Police Regional Office (PRO) 11 Spokesperson Police Major Catherine dela Rey sa inilabas na pahayag ng PRO 11.

Papalit sa puwestong binakante ni Col Patay bilang DCPO Director si Regional Information and Communication Technology Management Division Police Col. Sherwin Butil, subalit sa ngayon ay hinihintay pa nila ang official order mula kay PRO 11 Director Police Brig. General Nicolas Torre III.

Matatandaang kamakalawa ay sinibak ni Torre ang Director ng Davao City Police Office kasama ang 19 station commanders matapos ang naganap umanong “discrepancy reporting” hinggil sa nangyaring mga patayan at panggagahasa sa lungsod.

Nabisto kasi ni Torre na sa loob 6-buwan ay lumalabas na may nagaganap na isang patayan at 2 kaso ng rape kada linggo sa lungsod.

Wala pa namang ibinibigay na dahilan ang DCPO kung bakit agad na pinalitan ang nasabing OIC. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on