WebClick Tracer

SPORTS

Caleb Martin tinaggihan malaking sahod sa Heat

Higit kalahati ng tatanggapin sana sa Miami ang tinabla ni Caleb Martin, mas pinili na lumipat sa Philadelphia.

Bibigyan sana ng Heat ang big man ng $65 million (P3.8 billion) para sa susunod na limang season pero ang pinirmahan niya ay ang four-year deal sa 76ers na garantisadong higit $32M (P1.B) lang.

Kung ano ang hindi nila napagkasunduan ng Heat, wala nang detalyeng binigay si Martin.

“There was a lot of things behind the scenes that went on,” aniya sa New Jersey complex ng Sixers nitong Martes. “There’s a lot that contributed to how everything went. But past is past, can’t do anything about that.”

Nag-average si Martin, 28, ng 8.5 points sa nakaraang five seasons, tatlo rito sa Miami.

Iniwan niya sina Jimmy Butler at Bad Adebayo para makipagtambalan kina Joel Embiid, Tyrese Maxey at bagong salta rin sa Philadelphia na si Paul George.

Posibleng maging starting power forward ng 76ers si Martin sa 79th NBA 2024-25 season. Pinapirma rin ng Philly sina free agents Andre Drummond at Eric Gordon, at si Kelly Oubre Jr. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on