WebClick Tracer

SPORTS

EJ Obiena tutok sa Olympic Games – Bambol Tolentino

Seryoso sa isipan at handa ang katawan ni Ernest John ‘EJ’ Obiena para makamedalya sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France sa July 26-August 11.

Ito ang ipinahayag nitong Miyerkoles ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino makaraan ang brief internet chat Martes sa World Athletics men’s pole vault No. 2.

“EJ is doing well and is very focused, him despite missing on a medal in the Diamond League in Paris,” lahad ni Tolentino, na tiniyak ding makakapunta ang mga magulang ni Obiena na sina Emerson na isa ring dating national pole vaulter, at Jeanette sa Paris upang i-cheer at suportahan ang kanilang anak.

Ang mag-asawang Obiena ang mangangasiwa sa mga pangangailangan ng kanilang anak upang makatuon nang labis ang manlalaro sa quadrennial sportsfest.

“After the Diamond League, EJ and his team will remain in France and no longer return to their base in Formia [Italy],” patuloy ng opisyal,Tolentino, dinagdag na ‘di praktikal para sa team Obiena na maglakbay pa lalo’t nakatakda na ang laban ni EJ sa Aug. 3 simula sa qualification at Aug. 5 ang finals sa 81,000-seat Stade de France.

Ipagpapatuloy ni Obiena at kanyang team na pinangungunahan ng sikat na si coach Vitaly Petrov – ang preparasyon sa Normandy Sports Centre, na halos dalawang oras ang drive mula sa Paris.

Sinigurado rin ni Tolentino na magpapadala siya ng team mula sa POC secretariat sa Normandy upang matiyak na maibibigay ang mga pangangailangan ng Asian Games at Asian Championships gold medalist sa pre-Olympics training.

Sasamahan ni Obiena sa Team Philippines sa Paris sina weightlifters Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; gymnastsCarlos Yulo, Emma Malabuyo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar; swimmers Kayla Sanchez at Harold Hatch; judoka Kiyomi Watanabe; golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina; at hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on