WebClick Tracer

NEWS

Malacañang sinuspinde senior citizens commission chief

Pinatawan ng 90 araw na suspension ang nirereklamong chairman ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na si Atty. Franklin Quijano.

Ito ang ipinataw umano ng Malacañang laban kay Quijano kaugnay sa reklamong gross neglect of duty and grave misconduct na inihain ni Jose Francisco Tapia.

Paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, layon ng suspensiyon na maiwasan ang mga pagkakataon na maaaring makaapekto sa imbestigasyon kaugnay sa mga paratang laban kay Quijano.

Nauna rito, lumagda sa isang kasulatan ang limang commissioner ng NCSC na nanawagan sa pagbibitiw ni Quijano para sa kapakanan umano ng 12 milyon na senior citizens sa buong bansa.

Kabilang sa mga alegasyon laban kay Quijano ay ang grave abuse of authority, gross misconduct, gross negligence of duty, ignorance of the law, at conduct inimical to the interest of the public. (Just Ignacio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on