WebClick Tracer

SPORTS

PBBM tinukoy halaga ng 64th Palarong Pambansa 2024

Dehins lang basta kompetisyon ng mga paaralan at 17 rehiyon ang Palarong Pambansa kundi pinaghuhugutan din ng mga astig na atleta ng bansa sa hinaharap.

Ito ang giniit ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. sa pagbubukas ng ika-64 edisyon sa taong ito ng event nagtampok din sa binyag ditto ng National Academy of Sports (NAS) at Philippine Schools Overseas (PSOs) kasama ang 17 Department of Education-recognized regional delegation.

“This event is more than just an inter-school [and] inter-regional competition; it is also a platform where we discover, where we develop, and hone future professional athletes, Olympians, and servant-leaders,” anang Punong Ehekutibo.

Inayunan siya ni Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann, na sinamahan pagkaraan si PBBM sa pagsindi sa sulo, at pinapurihan naman ang mga organisasyon sa mga eskuwelahan sa paghubog sa mga batang atleta.

“The present is bright, but the future looks brighter seeing these young athletes ready to showcase their own version of history here in Cebu City,” sey pa ni Bachmann. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on