WebClick Tracer

LIFESTYLE

Perfect at trending na mga pangalan, alamin!

Karaniwang maraming ipinapanganak tuwing summer partikular na sa United States.

Mataas ang baby births tuwing Agosto at Hulyo.

Kaya naman ang mga magulang, bet na bet din ang summer names para sa kanilang mga baby!

Makakatulong sa pagdedesisyon ng pangalan ng iyong baby ang digital marketing agency na Hennessey Digital.

Mayroon kasi itong listahan ng top trending baby names na may kaugnayan sa summer.

Ang mga pangalang ito ay mula pa sa datos ng Social Security Administration (SSA).

“Often parents opt for unique names, as well as names that are trending,” ayon kay Jason Hennessey, CEO ng Hennessey Digital.

“For parents who are expecting this summer, we want this research to educate and inspire them to opt for a name that is linked to the beauty of summer,” dagdag nito.

Kasama sa Top 20 ang Dylan na ang ibig sabihin ay Son of the Sea, Lily o bulaklak na namumulaklak tuwing summer.

Parker na ang ibig sabihin ay Park keeper o kaya naman ay Aurora o Dawn na related din sa Disney.

Ang Isla naman ay patok din na ang meaning ay Island, habang ang Kai naman ay Sea in Hawaii.

Related naman sa Greek work na helios o Sun ang baby name na Eliana.

Pwede ring River, o Ryder na kapwa popular tuwing summer.

Ang Greek goddess naman ng rainbow na nagbo-bloom din tuwing summer ay si Iris.

Perfect din ang Lucia na mula sa Latin word na Lux na ang ibig sabihin ay light, at Phoebe na nangangahulugan namang shining.

Patok din ang mga pangalan ng bulaklak tulad ng Daisy, Rose, Dahlia, Jasmine, Poppy, habang puno naman ang Olive at Cyrus.

At siyempre hindi mawawala ang pangalang Summer na very self-explanatory. (Natalia Antonio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on