WebClick Tracer

NEWS

Pharmally sumingaw konek sa scam farm, ex-adviser ni Duterte dawit

Nabuhay ang isyu tungkol sa kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos na mabuking na isang POGO incorporator ang konektado rin umano sa naturang kompanya na dati nang inimbestigahan dahil sa overpriced medical supply noong COVID-19 pandemic.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Miyerkoles (Hunyo 10), sinabi ni Senador Risa Hontiveros na isang Gerald Cruz, incorporator ng BreakHearts Technology, ang may kaugnayan din sa Pharmally Biological.

“That BreakHearts Technology Inc., which used to be a service provider, we dug deeper into BreakHearts, and we looked at its incorporators. Of the seven incorporators, four are from Davao. But what really interests me here is Gerald Cruz,” ayon kay Hontiveros.

Ipinakita pa niya sa screen ang koneksiyon ni Cruz sa Pharmally.

“Cruz was also connected to Pharmally Biological, we are exclaiming `Oh my God’. With Huang Su Yen, involved in a big money laundering case in Taiwan, and with Allan Lim. For those who may have forgotten, Allan Lim is Lyn Wei Ziong is connected or linked to the importation of shabu in the country,” wika ng senador.

Binanggit pa ni Hontiveros na dawit din si Cruz sa FullWin Corporation kung saan presidente si Michael Yang, ang economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“In fact, ang Xionwei Technogies Inc., na sinasabing pagmamay-ari ni Yang at pangalan ng email address ng BreakHearts, sound familiar. Ang BreakHearts and Xionwei Technologies Inc., parehong email address,” ani Hontiveros.

“So malinaw pa sa sikat ng araw, through Gerald Gruz who is the link between the POGO in Bamban ni Alice Guo and Michael Yang. And through their email address, Break Hearts and Xionwei, Michael Yang may be involved in these criminal operations na iniimbestiga natin sa POGO,” sabi pa ng senador.

Samantala, sa panayam ng mga reporter pagkatapos ng pagdinig, inilahad ni Hontiveros na mahalagang imbestigahan pa ng komite ang koneksyon ni Cruz sa Pharmally.

“Dahil maalala ninyo `yung Pharmally investigation ay isang pinakamalaking imbestigasyon ng Senado noong nakaraang Kongreso. Dalawang taon na kaming naghihintay ng new matter tungkol diyan, bagong resource person, o witness o whistleblower, o bagong piraso ng ebidensiya. `Yung naikonekta o naikokonekta namin ang dating Pharmally investigation dito sa kasalukuyang imbestigasyon laban sa mga POGO, it’s not necessarily a new matter about the Pharmally scam pero mukhang Pharmally group ito same cast of characters,” ani Hontiveros.

Tinanong si Hontiveros kung aabot ang koneksiyon kay dating Pangulong Duterte pero sinabi ng senador na depende ito sa mga lalabas na ebidensiya.

“Lumitaw na nga `yung koneksyong Gerald Cruz at papuntang Michael Yang, tingnan natin saan tayo dadalhin ng ebidensiya kung this time around makokonekta `yung dotted lines hanggang kay Duterte,” dagdag ng senador. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on