WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko kinasuhan sa naglahong suplay ng mga senior citizen

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko ang kinasuhan sa Ombudsman matapos makipagsabwatan sa pribadong korporasyon para sa suplay ng mga senior citizen sa kanilang lalawigan?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, higit P50 milyon daw ang ginamit na pondo para sa suplay ng mga senior citizen.

Imbes daw kasi sa isang tanggapan ng Department of Health (DOH) bumili ang politiko, aba’y sa pribadong kompanya raw ito kumuha na halatang paborito ng politiko.

Ang masaklap nito, mukhang sa politiko lang napunta ang sinasabing pinambili ng suplay para sa mga senior citizen.

Eh paano ba naman kasi, walang record ng recipient sa proyekto ng politiko na lalong nagpatibay sa hinala na wala namang dineliber na suplay sa mga senior citizen.

Suspetsa tuloy ng mga marites sa lalawigan, isa itong ghost project ng politiko kaya marapat lang na kasuhan siya. Kasama raw sa kinasuhan ang mga staff nito na may kinalaman sa transaksiyon.

Dahil sa dami ng mga isyu laban sa politiko, natalo ito sa tinakbuhang puwesto noong 2022 elections. Pumoporma raw ulit na tumakbo sa susunod na eleksiyon ang politiko pero bago pa ito makaporma ay agad na itong sinampahan ng kaso.

Clue: Ang politiko ay puwedeng i-relate sa isang pamosong player sa bansa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on