WebClick Tracer

METRO

Rider, angkas sumalpok sa sidewalk, tigok

Patay ang isang rider gayundin ang kaangkas niyang babae matapos bumangga sa concrete sidewalk ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa may eastbound ng Recto Avenue corner Matapang Street, Quiapo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang sina Abdul Hamid Tanggo, driver ng Honda PCX, taga-Camia Masagana Compound, San Miguel, Pasig City; at Ijay May Ayoc, kapwa nasa hustong edad.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng MDTEU -VTIS, binabagtas ng mga biktima ang east bound ng Recto Avenue at pagsapit sa Matapang St. ay nabangga ng rider ang concrete sidewalk dahilan upang tumilapon ang dalawa sa konkretong kalsada at sa lakas ng impact ay nagresulta ng agaran nilang kamatayan.

Alas-2:3O ng madaling araw nang dumating ang ambulansiya ng Manila Disaster Risk Reduction Management office (MDRRMO) pero wala ng buhay ang mga biktima.

Dinala sa Body and Light Funeral ang mga biktima para sa awtopsiya at safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on