WebClick Tracer

NEWS

Senate building sa Taguig papalo gastos sa P27B

Maaaring umabot sa P25 hanggang P27 bilyon ang gastos sa konstruksiyon ng New Senate Building (NSB) sa Taguig City na mas mataas pa sa P21 hanggang P23 bilyon na tinantiya noong 2021.

Naging sentro ng diskusyon sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Accounts ang pagtaas ng halaga ng bagong gusali.

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, walang kabuluhan ang projected cost ni Senador Nancy Binay na P21 bilyon lamang ang gastos ng gusali gayong ang estimated cost ay maaaring umakyat sa P27 bilyon o higit pa dahil sa inflation at global economic condition.

Samantala, sa pagdinig nitong Miyerkoles, Hulyo 10, dismayado si Cayetano sa outdated price estimate na isinumite ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang project manager ng NSB.

“The problem is, the additional submissions you gave me are outdated,” sabi pa niya sa DPWH. “So, our debate over P21.7 billion or P23 billion is moot because the total project cost now exceeds P23 billion.”

Inamin naman ni Engr. Soledad Florencio ng DPWH na hindi updated ang kanilang estimate o pagtataya sa magiging gastos ng proyekto.

“Our submitted budget cost estimates are based on 2021 costs. We admit these are not updated. So, in your terms, Mr. Chair, we need to update them,” ani Florencio. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on